KAPIRASONG LANGIT SA TAPSILOGAN
Makati, 02 Aug 2010
Kokonti sa buhay, sa balat ng lupa ang mas sasaya sa hapunan kasama ang mga kaibigan. Maaalala mo ang iyong first crush? O, ang iyong first kiss kaya. Ganun iyon kasaya pero mas subtle. Kagabi, ako’y pinalad ng ganung pagkakataon. Nakaupo kami sa tapsilogan. Tig-iisa ng order ng masarap na silog. At iyong sabaw ay ulam na! Maya-maya’y nabaling na ang usapan sa showbiz, iyong mga bagong pelikula. Nabanggit ‘yong pagkadrama queen ni Juday. Naintriga rin na may pagkabading daw si Luis Manzano (Owwss!). At hinder in pinalampas ang kissing scene raw ni Luis at Piolo, o ni Lloydie at Piolo ba iyon? (Hinde nga?) Hay, sa ganitong okasyon hinde mo alam ang patutunguhan ng usapan. Ang alam mo lang ay ang iyong kagalakan - sa masarap na pagkain, sa masayang usapan, sa piling ng mga kaibigan.
No comments:
Post a Comment